Banner Before Header

Top taxpayers, importers, pinarangalan ng BOC-PCAG

0 123
MULA nang maupo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa Malakanyang ay sunod-sunod ang pagkatimbog ng  mga kontrabando sa ibat-ibang parte ng bansa.

Lalo na ang mga puslit na produktong agrikultura, kasama na ang sibuyas, bawang, at iligal na droga.

Pero sa tingin ng marami, kasama ang mga mamamahayag, ay hindi lumala ang ismagling sa bansa kundi pahirapan na ang iligal na pagpasok ng mga produkto sa bansa.

Alam naman ng lahat na ayaw ng administrasyong Marcos na bumaha sa merkado ang mga puslit na agriculture goods dahil kaawa-awa ang mga magsasaka at mangingisda.

Kapag maraming imported o smuggled goods sa merkado ay siguradong malulugi ang mga nagtatrabaho sa bukid dahil napakalaki ng production cost.

Mahal ang abono, pesticide, gasolina at iba pang gamit sa pagsasaka at pangingisda. Halos wala ng kinikita ang ating magsasaka at mangingisda.

Mabuti na lang at highly-trained at fully-equipped ang mga opisyal at tauhan ni Customs Commissioner Bievenido Y. Rubio para sawatain ang pagpasok ng kontrabando.

Noon ngang Pebrero 19 ay nakadiskubre ang mga taga-Port of Clark sa Pampanga ng mga high-grade marijuana o kush sa isang shipment na galing ng Quebec, Canada.

Nagkakahalaga ng mahigit na P3.7 milyon, ang iligal na droga ay nakapaloob sa isang shipment na naglalaman umano ng “window curtains” at “cotton.”

Nabuko ang tunay na laman ng shipment nang idaan ito sa tinatawag na K-9 sniffing at x-ray scanning procedures.

Nang buksan ang kargamento ay may nakita ang mga taga-Port of Clark ng limang “packs of dried leaves and stems” na may timbang na 2,336 grams.

Sa clinical laboratory analysis na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay napatunayang dried marijuana leaves nga ang laman ng shipment.

Kaya naman noong Pebrero 20 ay nagsagawa ang Port of Clark,  Port of Subic at PDEA ng isang controlled delivery operations sa Subic Bay Freeport Zone sa Zambales.

Dito na hinuli ng mga otoridad ang claimant ng shipment na hindi muna pinangalanan sa report.

Muli, congratulations Port of Clark District Collector John Simon “for a job well done.”

***

“Indispensable” talaga ang mga “importers” at “taxpayers.”

Kung wala ang mga ito eh, ano na lang ang gagawin ng mga opisyal at tauhan ng Bureau of Customs (BOC)?

Dahil sa importers at taxpayers, malaki ang perang pumapasok sa kaban ng ahensya.

Kaya nga, taun-taon ay pinaparangalan ng BOC-Post Clearance Audit Group (PCAG) ang kanilang “Top Taxpayers and Importers.”

Ang mga 2022 awardees ay kinabibilangan ng Mondelez Philippines, Inc., IT International (Philippines), Inc., Glaxomithkline, Inc., Unilever Philippines, Inc., Chevron Philippines, Inc. at Nestle Philippines, Inc.

Ang iba pang awardees ay ang  Novartis Health Care Phils, Inc., Pilipinas Shell Petroleum Corporation, Fast Retailing Philippines, Inc., Toyota Motor Philippines, Wyeth Philippines, Inc. at Henkel Phtilippines Applied Technologies, Inc./Henkel Philippines, Inc.

“We recognize and value our stakeholders for their contributions to the revenue generation of our country,” sabi ni Customs Commissioner Bievenido Y. Rubio.

Dahil sa mga buwis na ibinabayad ng importers at taxpayers ay nagagawang i-implement ng gobyerno ang mga programang “dedicated to improving the lives of our citizens.”

Ang awarding ceremonies ay ginanap noong Pebrero 15 sa opisina ng BOC sa Port Area, Manila.

***

Mabuti naman at marami pa rin sa ating mga kababayan ang patuloy na nagsusuot ng face mask kahit optional na lang ang paggamit nito.

Ang ibig sabihin nito ay batid na ng marami ang kahalagahan ng pagsusuot ng maskara para protektahan ang sarili laban sa communicable diseases.

Huwag nating kalimutan na hindi lang coronavirus disease (COVID-19) ang naisasalin sa ibang tao.

Nariyan din ang nakakatakot na TB na nananatiling isa sa mga pangunahing sakit na kumikitil ng maraming buhay hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Mas mainam talaga na laging inilalabas sa diyaryo, radyo at telebisyon ang paalaala sa publiko na walang mawawala sa atin kung lagi tayong sumusunod sa mga health protocol.

Sa mahal ng mga gamit mas maige ang lagi tayong proteksyon.

Tama ba kami, Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire?

(Para sa inyong mga komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0917-8624484/email: tingnannatin08@gmail.com Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan).

Leave A Reply