Banner Before Header

Trade facilitation, hangad pang pabilisin ng BoC

0 225
“INIS” at kunsumisyon na siguro ang nararamdaman ng mga kritiko ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero.

Ang pinagkakaabalahan kasi ni Guerrero ay ang kanyang trabaho.

Mahalaga kay Sir Jagger ay kung paano niya mapapalaki ang koleksyon ng BoC.

Wala sa bokabularyo ni Guerrero ang sumagot sa mga tsismis na kumakalat sa Aduana.

Tama lang naman.

Mahalaga ang bawat araw ngayon dahil meron na lang labinsiyam na buwan si Pangulong Rody Duterte sa Malakanyang.

Ayaw ni Guerrero na mawala siya sa focus.

Alam naman ni  Pangulong Duterte at Finance Sec.Sonny Dominguez kung paano siya magtrabaho.

Hindi siya naging chief of staff ng AFP kung hindi siya matinong lider.

Tama ba, Senador Bong Go?

Patuloy kasi ang ginagawa ng Bureau of Customs (BoC) para i-simplify ang trade facilitation processes sa Aduana.

Hangad ng ahensiya na pinamumunuan ni Guerrero na bumilis pa ang “ease of doing business” sa mga pantalan.

Kaya naman kamakailan lang ay ipinasok ng Management Information System and Technology Group (MISTG) ang “TradeNet” sa BoC website na direktang nag-uugnay sa TradeNet portal.

Ang nasabing portal, tradenet.gov.ph, ay ang Philippine “gateway for trade facilitation.”

Ang portal ay nagpo-provide ng “automated licensing, permit, clearance and certification system with regulatory agencies into one internet-based platform.”

Sa pamamagitan ng “tradenet portal” ay nagiging inter-operational ang trade facilitation processes ng mga ahensiya ng gobyerno.

Ang portal ay isang single entry point kung saan isina-submit ang mga impormasyon at dokumento para sa mga ahensiya ng gobyerno.

Ang BoC at Bureau of Internal Revenue ay nasa ilalim ng Department of Finance.

At direkta ang komunikasyon ng BOC sa ibang ahensiya ng gobyerno para mapadali at mapagaan ang pagnenegosyo sa mga pantalan.

Magandang hakbang ito dahil alam naman natin na nabubuhay ang BoC dahil sa buwis na ibinabayad ng mga importer at broker.

Kung wala ang mga port user ay “nganga” ang BoC.

***

Hindi matatawaran ang tulong ng pribadong sektor para magtagumpay ang mga programa ng gobyerno.

Kaya naman sa Port of Cebu ay pinulong ni District Collector Charlito Martin Mendoza ang Multi-Sector Governance Council (MSGC) ng kanyang distrito.

Ang MSGC ang magsisilbing advisory board ng port para sa governance and reform initiative sa ilalim ng tinatawag na ‘Performance Governance System.’ (PGS).

Bahagi ng council ang mga industry leaders at key stakeholders.

Nandiyan ang customs brokers, importers, exporters, media, advertising, academe at Simbahan.

“I thank our private sector representatives for answering our call to take their seat in the MSGC and be involved partners of customs,” sabi ni Mendoza.

Layon nila na gawing “truly responsive, resilient and truly world-class” ang Port of Cebu.

Ang MSGC ay nagbibigay ng proactive assistance at nagre-rekomenda ng mga action plan para ma-achieve ng port ang kanilang mga goal sa ilalim ng PGS.

Isa ang PGS sa ‘10-Point Priority Programs’ ni Comm Guerrero.

Sa tulong ng kanyang mga opisyal at tauhan ay umaasa si Sir ‘Jagger’ na lalong gaganda ang serbisyo sa mga pantalan.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag oa mag-text sa #0921-4765430/email: vicreyesjr08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

Leave A Reply