Banner Before Header

Tuloy-tuloy na ang paglago ng ekonomiya!

0 143
KUNG saan-saan na nanggagaling ang mga iligal na droga, kagaya ng shabu at ecstasy, na nasasakote ng mga otoridad sa Pilipinas.

Ang ibig sabihin nito, sa tingin ng marami, ay hindi na makaporma ang mga lokal na gumagawa ng mga ipinagbabawal na gamot.

Malamang na takot na sila dahil alam nilang hindi na sila basta makagalaw dahil galit na ang taumbayan sa kanilang mga gawain.

Noon ngang nakaraang buwan ay nakasakote ang mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) sa Port of Clark (PoC) ng 1,634 grams ng shabu.

Galing ng Kempton Park, South Africa, ang shabu ay nagkakahalaga ng P11.274 milyon.

Ang kargamento, na dumating sa bansa noong Nobyembre, ay naglalaman daw ng mga sapatos, pero naglalaman pala ito ng “white crystalline substances.”

Nang idaan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa chemical laboratory analysis ang “white crystalline substances” ay napatunayang shabu pala ang mga ito.

Bago nito ay idinaan din ng mga otoridad sa K-9 sweeping ang shipment. Ang mga droga ay nakatago sa lining ng limang handbags.

Kaugnay nito, nag-isyu siPort of Clark District Collector John Simon ng warrant of seizure and detention (WSD) laban sa kargamento na nasa kamay na ngayon ng PDEA.

Ayon kay Collector Simon, mahigpit nilang ipinapatupad ang utos ni Pangulong Marcos kay Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz na patigilin ang iligal na pagpasok sa bansa ng mga kontrabando.

Lalo na ang mga ipinagbabawal na gamot, na kagaya ng shabu, ecstasy at kush marijuana.

***

Patay na sa gastos ang mga magsasaka pero lalo pa silang pinapatay ng mga ismagler ng mga produktong agrikultura.

Kaya hindi natin masisisi sina Pangulong Marcos at Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz kung bakit galit na galit sila sa mga kontrabandista.

Alam nila na hangga’t nandiyan ang mga puslit na produktong agrikultura ay mananatiling kawawa ang mga magsasaka, mangingisda at ang kanilang mga mahal sa buhay.

Kaya nga tuwang-tuwa ang taumbayan noong makakumpiska ang Bureau of Customs (BoC) ng iba’t ibang agricultural products sa isang Muntinlupa City-based na kompanya.

Ang mga “undeclared” na produkto ay nagkakahalaga ng P140 milyon, ayon kay Commissioner Ruiz, na dating regional director ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Ang shipment ay idineklarang naglalaman ng noodles at frozen dimsum balls.

Pero nang buksan ng mga taga-CIIS ng Manila International Container Port (MICP) ay nakita nilang naglalaman ito ng undeclared “fresh red and white onions, frozen barbecue and frozen crawfish.”

Ang mga produktong agrikultura ay sumailalim ng eksaminisyon mula Disyembre 27 hanggang Disyembre 29.

Galing ng China, ang mga kontrabando ay dumating sa MICP sa pagitan ng Nobyembre 27 at Disyembre 3, 2022 at consigned sa Taculog J International Consumer Goods Trading na may opisina sa Alabang, Muntinlupa City.

Another good job, mga bossing sa Aduana.

***

Sa tingin ng maraming sektor ay tuloy-tuloy na ang paglago ng ating ekonomiya.

Huwag lang tayong magpakakampante ay hindi na makakaporma ang nakatatakot at nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19) na nagpahirap sa buong mundo.

Sa tulong ng taumbayan ay naging successful ang anti-COVID-19 vaccination program ng gobyerno hindi lang sa Metro Manila kundi sa buong bansa.

Hindi nasayang ang gastos at oras natin. Sa tingin natin ay hindi natakot ang taumbayan sa vaccination program ng gobyerno kundi napagtanto nila ang kahalagahan ng magpabakuna.

Tama ang panawagan ng marami na kaysa magbangayan, magkaisa na lang tayo para mapabilis ang socio-economic development ng ating mahal na bansa.

Sana gayahin natin ang magandang samahan nina Pangulong Bongbong Marcos at Vice President Sara Z. Duterte.

Naniniwala tayo sa sinasabi ng marami na posibleng magkaroon ng “unity in diversity.”

Hindi ba, Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz?

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0917-8624484/email:tingnannatin08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

Leave A Reply