Banner Before Header

US “taksil” na kaalyado ng Pinas

0 225
KAMAKAILAN ay lumabas sa mga pahayagan na ang Estados Unidos ay gumamit (o gumagamit) ng “code” ng sasakyang sibilyan na panghimpapawid (eroplano) na dumadaan sa kalawakan ng teritoryo na sakop ng ‘Yellow Sea.’

Kilala rin ang Yellow Sea bilang isang bahagi ng tubig na may mainit na tensyon sa pagitan ng dalawang Korea – North at South.

Ang mga eroplanong pandigma na nagsisilbing espiya ng US na nagpapanggap namang sibilyan ay nagdudulot ng malaking panganib sa larangan ng aviation ng mundo at panganib sa seguridad ng Tsina at marami pang bansa.

Hindi na rin naman bago—at matagal nang ginagawa– ang mapanlinlang na paggamit ng Estados Unidos ng mga ‘civilian hex code’ na ibinibigay sa mga ‘civilian airliners’ ng International Civil Aviation Organization (ICAO).

Lahat ng eroplano na naka rehistro sa ICAO ay may kanya-kanyang ‘6-digit hex code’ na na bihirang napapalitan—maliban na lang kung ito ay ‘intentional’ katulad ng ginagawa ng Amerika.

Matatandaan na noong 1983, isang eroplano ng Korean Airline ang disgrasyang napabagsak ng noon ay Soviet Union kung saan 269 pasahero ang nasawi.

At kailan na lang din lumabas ang katotohanan na paulit-ulit na ginagamit ng mga US spy planes ang hex code ng Korean Airline na lumalabas sa mga ‘radar’ ng USSR upang maniktik sa teritoryo nito. Ang resulta ay isang malaking trahedya na ginamit naman ng husto ng Amerika sa propaganda nito laban sa Soviet Union.

Ayon sa South China Sea Probing Initiative (SCSPI) isang think tank ng Tsina, ang US ay gumamit ng aircraft civilian code sa kanilang mga spy planes na may 100 beses at kung minsan ay hindi lang sa pag-aari ng Pilipinas kungdi pati na rin sa Malaysia ang mga code.

Nabatid rin ng SCSPI na ang mga “spy planes” ng Kano ay maaaring nanggaling sa kanilang mga base militar sa Japan at Guam.

Hindi biro ang ginagawang ito ng US lalung-lalo na sa kanyang ka-alyadong bansa – ang Pilipinas na lagi ng naaagrabyado sa naturingang alyansa. Ang tanong – bakit ito ginagawa ng Kano?

Hindi kaila sa ating rehiyon at sa buong mundo ang mainit na hidwaan sa South China Sea (SCS) sa pagitan ng mga bansang naghahabol sa mga isla at bahagi ng teritoryong sakop ng SCS at ng Tsina.

Anumang pagkakamali at hakbanging magdudulot ng ibayong tensyon sa SCS sa pagitan ng mga bansang ito (claimants) at ng Tsina ay maaaring humantong sa digmaang pang-rehiyon o di kaya pandaigdig.

Sino ba naman ang may tamang pag-iisip ang gagawa ng katulad ng ginagawa ng Amerika kung hindi ‘yun lang may masamang balakin?

Maganda na ang relasyong Tsina at Pilipinas sa pamamagitan ng tuluy-tuloy na komunikasyon ni Pangulong Xi Jinping at Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ba ay sisirain lamang ng isang kataksilan ng kilalang kaalyado ng Pilipinas?

May niluluto na naman bang isang “false flag” operation ang ‘Big Brother’ na ikasisira ng magandang samahan ng Pilipinas at Tsina?

Oo nga at may tensyon na sa mga pinag-aagawang teritoryo sa SCS na pilit nating hinahanapan ng mapayapang solusyon, ngayon pa ba babahiran ng pagtataksil upang gumawa ng digmaan na sila rin ang makikinabang sa huli?

Malala at malawak na ang suliraning dulot ng COVID19 sa sangkatauhan, hindi natin kailangan ang isang malawakang digmaan na papatay sa mga inosenteng sibilyan. Tama na, Uncle Sam!

Leave A Reply