PROVE me wrong, mga kaibigan sa Pinklawan sa aking munting analysis hinggil sa pagpapaatras ni VP Leni Robredo sa mga kakumpetensiya sa pagka-presidente.
Cheating ‘yon, sa tingin ko, kasi, inaalisan ni VP o ng kanyang advisers, o ni Atty. Barry Gutierrez, ng choice ang taumbayan na pumili ng nais nilang maging pangulo sa palapit na May 9 elections.
It’s a question of morality, at kung ibalik ni Yorme Isko Moreno ang pagpapaatras sa kanila ni VP Leni, ito ay ‘fair’ lang.
Up to this writing, walang opisyal na sagot si Robredo sa hamon ni Aksyon Demokratiko presidential bet Isko na i-deny na siya o ang kampo niya ang nagpapaatras sa kanya, at maging kina presidential bets, former national security adviser Norberto Gonzales at Senator Ping Lacson!
Hehehe, paano tatanggi, kasi hawak nina Yorme ang mga kopya ng CCTV na duon, mapapanood ang pagpapaatras ni ‘Honorable VP at ni Barry kina Isko.
Tameme, barado ang lalamunan ni Barry at ni VP Robredo, at campaign chief nila na si ex-Sen. Bam Aquino, kasi pag tinanggi nila, ilalabas ang proof na nakuha sa CCTV sa opis ni VP, CCTV sa McKinley, at sa CCTV sa Dasmarinas Village.
“Now tell me if I’m lying then I’ll show you proof,” sabi ni Yorme, na tinawag na ‘Fake’ sa tao ang Kakampink na tropa ng mga mapanggap na santa, pero santita pala.
Kung ngayon pa lang e pulos ‘cheaters’ at ‘fake” ang pink na dilaw naman, kawawa ang bansa natin pag si Fake VP ang mananalo.
***
Alam nyo, matagal ding nagtitimpi si Yorme Isko sa mga upak ng Kakampinks, pero tiniis lang niya, pero ang paatrasin, ‘yung i-defranchise ang mga botante na pumili ng alternative candidate, sobra na iyun, pagmamaliit na, estilong matapobre sa tulad ni Yorme na dating basurero, na kinaya ang hirap sa buhay, maiangat lang ang sarili at magtagumpay.
Dahil ba mula si Isko sa dugyot na pamilya, wala nang karapatang kumandidatong presidente, at mamuno sa bansa, kung papalaring iboto sa Mayo 9 elections?
Kaya ayaw ng maraming tao kay Dilawang Pink, kasi fake, plastic, at feeling superior at magaling, e ni hindi nga makapagtalumpati nang walang kodigo o teleprompter.
Eto pa, lantaran ang suporta kay Pink na Dilaw ng mga komunista at mga terrorista.
Akalain mo, yung statement nina NICA chief Alex Paul Monteagudo at ni NICA adviser Gen. Hermogenes Esperon na infiltrated ng CPP-NPA-NDF ang kampo ng Kakampink na Dilaw, e ano raw, Fake news?!
The nerve (veins daw, sabi ni Madumb), na kontrahin ng kakampink Rappler, Vera Files ang sinabi nina Monteagudo at Esperon na alam nating may malawak na intel reports tungkol sa ating national security.
Kinumpirma rin ni Sen. Lacson – na dating PNP chief – at ni Medal of Valor Col. Ariel Querubin na nasa loob ng Kakampinks ang tropang terrorista ni Joma Sison.
Delikado po ito, dear readers, kasi pag nanalo si VP Robredo, ang halos durog nang insurgency problem natin ay lalakas uli at kung alam nyo ang karakter ni Madumb, madali siyang mapasunod ng mga tusong Sisonites at ng oligarkong Dilawan.
At eto ang nakakatakot pa, may banta ang Dilaw na Pink na kapag hindi sila nanalo o si BBM ang nanalo, magkakagulo sa bansa.
Kasi nga, kung si Marcos Jr. o si Madumb ang manalo, tuloy-tuloy ang awayan, higantihan, banatan at magiging magulo ang bansa.
Kaya nga, tama ang pakiusap ni Yorme Isko na kung siya ang maging pangulo, wawakasan niya ang kaguluhan, mabibigyan niya ng peace of mind, magiging tuloy-tuloy ang pagbangon natin sa perwisyong dala ng pandemya at maibabangon ang lugmok nating ekonomya.
Kung kapayapaan, kung kaginhawahan ang gusto natin, e sino ba ang dapat na iboto, e di si Yorme Isko!
***
Kung si BBM ang manalo, posible, hindi na mababayaran ang P203-B estate tax na utang ng pamilya niya?
‘Yung conviction ng nanay niya sa Sandiganbayan at paboran ng Supreme Court, posible na bigyan ni Marcos ng presidential pardon si dating First Lady Imelda Marcos.
Kung si Bongbong ang pangulo, hindi malayo na gawin nila na mabawi ang mga properties na sinekwester ng PCGG at muling magbalik ang cronies ng kanyang yumaong tatay, ex-Pres. Macoy.
At kung gagawin ng mga Dilaw na Pink ang bantang kaguluhan kung si Marcos ang manalo, inakupo, balik uli tayo sa kaguluhan tulad ng martial law days, at mangyayari, baka kung si BBM ang pangulo, ulitin niya ang ginawa ng tatay niya.
Ang magdeklara ng martial law na gaya ng 1972 sa panahon ng 2022.
‘Wag naman po, wag nawang ipahintulot na mangyari ito.
***
May tanong ang isang kaibigan: ‘Yun daw bang 50+ percent ng Pilipino ay loyalista ng mga Marcoses.
Kasi, ito ang lumalabas sa mga political/opinion surveys na si Bongbong daw ay sinusuportahan ng 50+ percent ng mga Pilipino?
Done deal na raw ang May 9 elections at kino-condition na ang isip ng madlang Pilipino na si BBM ang mananalo, maliban kung may kakaibang developments ang mangyari.
Possible scenario: Smartmagic at manalo si Lenlen gamit ang pandaraya?
O, kaya, ayon sa mapaglarong isip ng maraming ayaw kay BBM at sa galing mag-isip ng mga Machiavellian, kahit manalo si Marcos Jr., iba ang mauupong pangulo.
Nakita ba nyo ang hastag at post sa social media na larawan ni VP bet Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio na ang nakasulat sa ilalim ng pangalan niya: Presidente 2022!
Ay, ang daming malisyosong isip ngayong eleksiyon na nagsasabi, delikado, magugulo ang bansa kung si Jr. Marcos ang mananalo sa eleksiyon natin sa Mayo 9.
‘Wag sanang ipahintulot, wag naman po.
Pero maiiwasan ang ganitong scenario, kasi may alternative candidate na dapat na iboto.
E, sino pa kundi ang Aksyong Mabilis, Solusyong Sigurado, Gobyernong maka-Tao, ng Gobyernong Isko Moreno.
Ano, switch na kayo, tayo nang mag-Isko!
(Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com).