Banner Before Header

Yorme Isko: “Katubusan” sa kahirapan ng Pinoy?

0 726
ANO-ANO ba ang dapat taglayin ng isang mahusay na lider? At paano malulutas ang krisis sa pamumuno sa Inang Bayan?

“One must give a clear direction and helping people under his care to gain personal strengths and resources is one way of solving the leadership crisis,” sabi ng kaibigan kong si Atty. Mon Cuyco. Pero, mabilis din niyang idinugtong na hindi lamang ito ang dapat na taglayin ng isang namumuno.

Sinipi niya ang isang management textbook na ganito ang sinasabi: The change agent needs the sensitivity of a social worker, the insights of a psychologist, the persistence of a bulldog, the self-reliance of a hermit and the patience of a saint.

“Pero kahit taglay na ng isang namumuno ang lahat ng ito, hindi pa rin ito garantiya na tagumpay sa isang misyon,” sabi ni Atty. Cuyco.

“Dapat ay magpakita ng magagandang halimbawa ang isang lider. A good leader practices what he preaches. Dapat ay handa rin ang isang pinuno sa mga pagbabago dahil …change is inevitable.”

Higit na katangian na dapat taglayin ng isang mahusay na lider ay ang pagiging mapagkumbaba.

***

“Good leadership begins at home,” dagdag pa ni Cuyco. “If one leads his family, he can also lead his constituents well. But one can only be a good leader if he is a good follower.

“Kung nais ng isang lider na sumunod sa kanya ang mga tauhan niya, siya muna mismo ang maging masunurin at matiyaga sa pagsunod sa lahat ng alituntunin ng pamahalaan na kanyang pinamumunuan.

Kung may hidwaan o di-pagkakaunawan, ang isang mahusay na namumuno ay isa ring mahusay na tagapamayapa o isang peacemaker.

“Dapat siya ay isang mahusay na negosyador at laging kakampi sa politika. Pero ang puso niya ay hindi lamang para sa iilan niyang tinuturing na kakampi kundi, ang puso niya ay naroroon din at nagmamalasakit sa mga kasama sa gobyerno at sa karaniwang mga kawani ng pamahalaan,” paliwanag pa ni Cuyco.

***

Lahat ng kandidato na nagbabakasakaling maging pangulo ay may “solusyon” para matapos ang kahirapan sa ating bansa.

Kaya raw nilang tapusin ang kahirapan. Solving poverty is no impossible dream. Ang kailangan lamang raw ay ang magkaroon ng isang mabuting pamamahala, isang good governance and fresh leadership to lift the country out of it… Walang raw hindi kayang magawa kung sama-sama, kung nagkakaisa at kung ang lahat ay magsisikap na gumawa, magtiyaga nang walang tigil at magpakasipag sa lahat ng mga gawain.

Magagaling silang lahat, di ba mga masugid nating dear readers?

Sabi tuloy ng aking barberong si Ka Edwin, “hindi po ako naniniwala sa sinasabi ng mga pumpuposturang kandidato para pangulo. Salitang pampolitika lamang ito…  it’s just political rhetoric.”

Aniya, ang problema sa kahirapan ay ilang dekada ng nariyan. The nation had not been governed and managed well, pulos papogi lang silang lahat, hindi totoo mga sinasabi nila.

***

Dahil galit na ang mayoryang Pinoy sa maling pamamalakad ng mga opisyal ng bayan ay itinutulak na ng ilang grupo si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso para tumakbong presidente sa May 2022 elections.

Itong Ikaw Muna (IM) Pilipinas na pinangungunahan ni dating MMDA general manager Tim Orbos katuwang ang ilan pang grupo ang masugid na nagtutulak para tumakbong pangulo si Yorme Isko.

Naniniwala si Tim Orbos na tanging si Yorme Isko ang may likas na kakayahan na pamunuan ang bansa dahil may pruweba na siya, may maganda siyang nagawa at may kakayahan siya na gawin ang ipinapangako niya.

“Our countrymen now see the need to carefully choose the candidates they will vote for this May elections. Our people will vote for candidates who can take them out of poverty and provide a better life for them.

“Hindi imposible na makabangon sa kahirapan kung ang ating iluluklok ay ang tulad ni Yorme Isko na mula sa angkan ng mahirap, at alam kung paano ang maging mahirap – di tulad ng mga ibang lalaban sa panguluhan na nagpapanggap at nagkukunwaring mahirap,” sabi ni Orbos.

“Kailangan lang na matino ang lider at kayang pamahalaan ng maayos ang bansa, tiyak na uunlad ang ating bayan.

“Kung naibangon ng Singapore, Hong Kong, Japan, South Korea ang kanilang kabuhayan at ngayon sila ay mga bansang napakalakas ang ekonomiya at matatag ang pinansiya. Kung si Yorme Isko na may malasakit sa kapwa tao ang ating maging pangulo sa hinaharap ay kaya nating gawin ito sa Pilipinas,” paliwanag ni Orbos.

Dagdag pa niya: “If our neighbors were able to become what they are today, “…then there is no reason why we cannot. All it takes is good governance and good leadership.”

Gusto ba nating maging bahagi ng mainam at malaking pagbabago sa hinaharap para sa kapakanan at pag-unlad ng Pilipinas – kay Yorme Isko na tayo… tara na, sama na kayo!

Ikaw NaISKO sa 2022!

Pilipinas, God First!

(Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com).

Leave A Reply